26

Jul 21, 2021 @ 20:54
By

Dagdag 500K Pfizer bakuna dumating na

Mahigit 500,000 dose ng Pfizer vaccine ang dumating sa bansa ngayong Miyerkoles ng gabi.

Lumapag ang 511,290 dose ng Pfizer vaccine sakay ng DHL Aviation flight sa Mactan-Cebu International Airport sa Lapu-Lapu City, Cebu bandang alas-6:45 ng gabi.

51,480 doses ang ibibigay sa Cebu habang 459,810 doses ang dadalhin sa Metro Manila.

Samantala, dagdag na 51,480 doses ng Pfizer vaccine naman ang ihahatid sa Davao City bukas, July 22.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?