63

Oct 17, 2017 @ 12:38

Dagdag 100 tauhan ng BI sa NAIA

Magtatalaga ang Bureau of Immigration (BI) ng karagdagang 100 Information Officers (IOs) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at sa iba pang mga internasyunal na paliparan sa susunod na buwan upang matugunan ang inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa panahon ng kapaskuhan.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, inaasahan na ilalabas ng Department of Justice (DOJ) ang appointment ng mga bagong kinuhang tauhan bago matapos ang buwan upang makapagsanay agad at maitalaga na sa kanilang mga puwesto ngayong Nobyembre.

Sinabi ni Morente na tulad ng mga naunang kinuha ng BI sa nakalipas na mga buwan, ang karamihan sa mga aplikante na tinanggap ay mga empleyado na kontraktuwal na naglingkod sa loob ng maraming taon.

Aniya, ang mga empleyado ay laging nalalagpasan at napapag-iwanan sa proseso ng job selection sa mga nakaraang taon bagama’t sila ay kuwalipikado at may civil service eligibility.

“As we have stated before, it is about time that we recognize the services of these employees by rewarding them with permanent items in our plantilla,” ani Morente.

Idinagdag pa ng komisyoner na sa pagtanggap nila ng karagdagang tauhan, inaasahan niya na mas kakaunti na ang pila mga ng pasahero sa mga counter ng BI sa NAIA sa panahon ng ASEAN summit at sa kapaskuhan. (Yesh Navarro)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?