374

Jan 13, 2022 @ 11:32
By

Daga na batikan sa pag-amoy ng landmine, pumanaw na

Pumanaw na ang bayaning daga ng Cambodia na si Magawa, na kilala sa paghahanap ng landmine sa naturang bansa na nagligtas ng maraming buhay ng mga taga-roon.

Ayon sa non-profit organization na nag-aalaga kay Magawa, pumanaw ito noong weekend sa edad na walo.

Si Magawa ay isang African giant pouched rat ipinanganak sa isang breeding colony sa bansang Tanzania noong 2014 at sinanay ng charity na APOPO para maghanap ng landmine.

Sa kanyang talambuhay, nakatulong si Magawa sa paghahanap ng mahigit 100 landmine at iba pang mga pampasabog.

Itinuturing siya ng APOPO bilang pinakamatagumpay na daga sa paghahanap ng landmine.

“Every discovery he made reduced the risk of injury or death for the people of Cambodia,” saad nito.

Ang mga daga ay sinasanay sa paghahanap ng landmine dahil sa lakas ng kanilang pang-amoy at pagiging magaan na kaya nilang tumapak ng bomba nang hindi ito sumasabog. (MJD)

Viva Hot Babe Sheree Bautista @ Tambayan ng Tsika!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?