48

Aug 6, 2021 @ 9:08
By

Dadaanin sa dimples! Alden Richards model ng “Resbakuna” ng DOH

Para mas mapaigting ang kampanya sa pagpapabakuna ng publiko kontra COVID-19, kinuha ng Department of Health (DOH) si Pambansang Bae Alden Richards para bumida sa bagong commercial nila ng “Resbakuna.”

Ayon sa ulat ng GMA News, naranasan na ng 29 anyos na aktor na magkaroon ng kaibigan na nasapol ng COVID. Aniya, isang nakakatakot na karanasan ito at napagtantong mahalaga ang pagiging “Resbakuna.”

“Vaccinated! By choosing to be vaccinated, I can protect not only myself and my family, but also my community,” saad niya sa caption ng kanyang Instagram post kung saan makikitang ifine-flex niya ang kanyang brasong nabakunahan.

“Tulong tulong po tayo. Please take the vaccine made available to you when given the chance so that we can reach herd immunity — which will act as a barrier for everyone against the virus,” pagpapatuloy niya na may kasamang #IngatAngatBakunaLahat.

Kaugnay nito, sinabi ni DOH Secretary Francisco Duque III na palalakasin pa nila ang panawagan sa publiko na magpabakuna na kontra COVID sa pamamagitan ng paggamit pa ng mga artista sa kanilang kampanya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?