70

By

Dacre Montgomery bagong Wolverine?

Naghahanap na ng bagong actor para gumanap na Wolverine sa future big project ng Marvel Studios.

Nag-retire na sa naturang character niya ang original Wolverine na si Hugh Jackman. Last Wolverine movie niya ay ang Logan na pinalabas noong 2017.

Ilang sa mga aktor na nirekomenda for the Wolverine role ay sina Kit Harington ng Game of Thrones at si Tom Hardy ng Marvel film na Venom.

Pero isa raw ang nag-standout sa shortlist at ito ay ang Stranger Things actor na si Dacre Montgomery.

Ang 24-year old Australian actor ay may strong fan-base on social media dahil sa paglabas niya bilang si Billy Hargrove sa Netflix series na Stranger Things.

Nagbida na rin si Dacre sa pelikulang Power Rangers noong 2017. May tamang body built ito para maging Wolverine at nahahawig din siya sa hitsura ni Hugh Jackman na isang Australian din.

Ilang fans ni Dacre ang nagpadala ng fan art kunsaan nilagay nila ang mukha ni Dacre sa katawan ni Wolverine.

Malalaman kung may napili na bang bagong Wolverine sa pagbalik ng Marvel Studios sa San Diego Comic-Con 2019 on July 20.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?