89

Dacquel vs Suzuki sa Hong Kong

Kakaliskisan ni Renz Dacquel ang galing at husay ng Japanese fighter na si Nanako Suzuki sa Mayo 12 sa Hong Kong Convention and Exhibition Center sa Hong Kong.

Huling tumapak sa lona ang 21-anyos na si Dacquel (1-1, 1 KOs) noong Nobyembre 2017 kung saan napabagsak niya si Kathleen Paptie via technical knockout (TKO) sa first round.

Si Nanako (3-1, 1 KOs) naman ay nilasap ang unanimous decision victory kontra Sachiko Kondo noong Nobyembre sa Korakuen Hall.

Na-TKO din ng 19-anyos na si Nanako si Ka Yan Wong ng Hong Kong noong Hulyo 2018 sa Southorn Stadium sa Hong Kong.

Samantala, dedepensahan naman ni Raymond Poon KaiChing ang kanyang Asian Boxing Federation at World Boxing Council Asian Boxing Council light flyweight titles kontea Xiang Li ng China.

Handa na rin depensaha ni KaiChing ang kanyang bakanteng World Boxing Organization (WBO) Youth light flyweight title. (Fergus E. Josue, Jr.)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?