chess
By

Dableo, Pimentel trangko sa Philippine Chess Blitz

Sharing is caring!

Patigasan ang PNP at ang Philippine Army sa Philippine Chess Blitz Online Face Off Series Team Competition sa Mayo 19.

Maghihiganti ang PNP chess team laban sa PA chess team matapos nitong mangulelat sa unang edisyon ng Chess Blitz Online.

Taong 2016 ay umuwi ring luhaan ang PNP sa mga kamay ng PA sa AFP-PNP-PCG Olympics. Dineklarang kampeon ang Philippine Air Force chess, runner-up ang Philippine Army chess team at itinanghal na 3rd place ang PNP.

Sa pangunguna ni SPO3 Jomar Pascua, kukumpletuhin nina 1996 Philippine Junior Champion National Master PO2 Rolando Andador, National Master SPO2 Ali Branzuela, PO1 Danilo Tiempo at PO3 Jerry Tolentino ang Team PNP team.

Mamanduhan naman nina International Masters Ronald Dableo at Joel Pimentel, Kevin Arquero at Alfred Rapanot ang PA chess team sa panulukan ng kanilang coach na si Ildefonso “Ponching” Datu.

Mapapanood ang Chess Blitz Online Face Off Series nang live at replay sa Facebook at YouTube channel ng National Chess Federation of the Philippines dakong alas-10:00 ng umaga sa Sabado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?