87

Dec 27, 2017 @ 13:54

Daang sasakyan, stranded sa landslide sa CamSur

Na-stranded ang may 100 sasakyan matapos ang landslide na tumama sa Andaya Highway sa bayan ng Del Gallego sa Camarines Sur nitong Miyerkules, ayon sa report na natanggap ng Philippine National Police (PNP) sa Bicol.

Ang landslide ay dulot ng malakas na pag-ulan bandang alas-sais ng umaga kanina sa highway ng Barangay Comadaycaday, Del Gallego.

Ayon kay PNP Bicol Spokesperson Police Senior Inspector Maria Luisa Calubaquib, malaking tipak ng lupa at bato ang kumawala sa bundok na nagresulta kaya’t hindi na madaanan ang naturang kalsada.

Inalerto na ng disaster authorities ang government engineers para linisin ang nasabing kalsada.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?