142

By

Daang sako ng bigas, ibinaon sa lupa ng BOC

Sharing is caring!

Tinabunan na lang ng lupa ng Bureau of Customs (BOC) ang nakumpiska nilang 982 sako ng bigas sa Tacloban City.

Nabatid na limang taon nang nasa kustodiya ng kawanihan ang bigas matapos itong kumpiskahin bunga ng kawalan ng import permit mula sa National Food Authority.

Hindi na rin kinuha ng consignee na A-1 Milling Corp., ang mga bigas kaya’t kinumpiska na ito ng BOC.

Dalawang beses din na isinubasta ang mga bigas ngunit wala ding nangyari hanggang sa masalanta na rin ito ng bagyong Yolanda noong Nobyembre 2013.

Base rin sa laboratory analysis, lumabas na “unfit for human consumption” na ang naturang mga butil maging sa mga hayop.

Bunga nito, inirekomenda na ibaon na lang sa lupa ang bigas na bukod sa naging halos pulbos na ay masama na rin ang amoy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?