278

May 31, 2018 @ 11:33
By

Daanbantayan Mayor Loot, sugatan matapos mabaril sa hita

Sugatan ang isang alkalde ng bayan ng Cebu matapos na aksidenteng pumutok ang kanyang baril habang sakay ng kanyang sasakyan sa Brgy. Lanao Daanbantayan, Cebu, Miyerkoles ng gabi.

Batay sa report ng Cebu Police, alas-8:40 ng gabi, sakay ng kanyang Mitsubishi Estrada na may plate number ABM 8366 si Daanbantayan Mayor Vicente Loot na patungo sana sa lamay nang biglang pumutok ang kanyang baril na nakasukbit sa kanyang beywang.

Kaya naman nagtamo ng tama ng bala ng baril sa kanyang kaliwang hita ang alkalde na agad naisugod sa Daanbantayan District Hospital pero inilipat din sa Cebu Doctors Hospital.

Kinumpirma naman ni Philippine National Police Chief Police Director General Oscar Albayalde na nasa ligtas nang kondisyon si Mayor Loot.

Kamakailan lamang ay tinambangan ng hindi pa nakikilalang mga suspek ang alkalde habang kasama ang kanyang pamilya sa New Maya Port sa Daangbantayan.

Si Mayor Loot ay isa sa mga PNP general na pinangalanan noon ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot sa iligal na droga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?