52

By

Daan-daang protesters sa France inaresto, ginamitan ng tear gas

Sharing is caring!

Napuno ng tensiyon ang ika-anim na protesta ng yellow vest protesters sa France.

Libo-libong pulis at security forces ang ipinakalat at sa kauna-unahang pagkakataon ay nag-deploy ng armored assault van.

Aabot na umano sa 400 ang naaresto sa Champs-Élysées avenue kung saan nagtipon-tipon ang mga nagprotesta.

Nakuha sa kanila ang portable jack hammer at mga materyal na puwedeng gamitin para makapasok at makapagnakaw sa mga shopping center.

Sa kasagsagan ng protesta, nagpakawala ng tear gas ang militar habang isinisigaw ng protesters ang pagbibitiw ni French President Emmanuel Macron dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at produktong petrolyo.

Samantala, nag-abiso naman ang Department of Foreign Affairs sa mga Pinoy na nasa France na mag-ingat sa gitna ng umiigting na karahasan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?