81

Dec 14, 2017 @ 11:39
By

Daan-daang pasahero stranded sa Bicol, Eastern Visayas kay ‘Urduja’

Umakyat na sa 249 na mga pasahero ang naistranded sa Eastern Visayas at Bicol Region dulot ng bagyong Urduja.

Ayon kay PCG Spokesman Capt. Armand Balilo, sa Port of Looc ay stranded ang 54 na pasahero, isang vessel at 24 na rolling cargoes, habang sa Port of San Isidro ay 52 na pasahero at siyam na rolling cargoes at sa Port of Jubusan naman ay 71 pasahero at dalawang rolling cargoes dulot ng sama ng panahon.

Samantala, sa Bicol Region ay stranded sa Port of Matnog ang 72 pasahero at 14 rolling cargoes. Umaabot na sa 249 pasahero, isang vessel at 49 na rolling cargoes ang naistranded sa naturang mga pantalan.

Pinayuhan ni Balilo ang lahat ng PCG units na tiyakin na mahigpit na ipapatupad ang HPCG Memorandum Circular Number 02-13 o panuntunan sa paglalayag sa mga sasakyang pandagat sa oras ng may sama ng panahon. (Rick Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?