108

Jun 18, 2021 @ 15:20
By

Daan-daang bakunadong health worker sa Indonesia sapol ng COVID

Mahigit 350 doktor at health care worker sa Indonesia ang tinamaan ng coronavirus disease sa kabila na nabakunahan na sila ng Chinese-made Sinovac vaccine.

Ayon sa Detroit Free Press report, dose-dosena sa mga health care worker ay naospital dahil sa mataas na lagnat at pagbaba ng oxygen saturation level.

Sinabi ni Badai Ismoyo, Kudus District Health Office head sa Central Java, karamihan ng positibo ay asymptomatic o walang sintomas ng virus at nagka-quarantine sa bahay.

Iginiit naman ng World Health Organization sa mga lider sa Indonesia na dagdagan ang mga paghihigpit upang malabanan ang pagsirit ng COVID case sa lugar.

Sa kabila nito, tiniyak ng Department of Health sa publiko na mabisa ang mga bakuna laban sa COVID-19 na mayroon ang Pilipinas lalo na sa pagpigil sa malalang infection at pagkakaospital.

“Let’s get the vaccine, let us not be doubtful… ‘Yan pong mga bakuna ang isa sa mga susi para malabanan po natin itong pandemya,” aniya sa briefing nitong Biyernes.

Hindi man aniya maitatanggi na mayroong tinatawag na “breakthrough infections” o COVID-19 case matapos ang bakuna, kailangan pa rin umanong malaman ang kumpletong datos para maanalisa maigi ang nangyari sa mga Indonesian health worker.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,