3

Aug 4, 2020 @ 18:29
By

DA: Sapat ang pagkain sa NCR, MECQ area

Hindi kailangan mag-panic buying sa muling paglagay sa Metro Manila at iba pang karatig-bayan sa modified enhanced community quarantine (MECQ).

Paliwanag ni Agriculture Secretary William Dar, sapat naman ang supply ng pagkain sa mga area na sinailalim sa striktong lockdown para sa mga susunod na linggo.

“Base sa ating monitoring and analysis of the food supply situation ay mayroon po tayong sapat na pagkain from rice, mayroon ding vegetables and fruits at saka chickens ay sobrang-sobra po, ganoon din ang fisheries,” saad ng kalihim ng Department of Agriculture (DA).

Bukod pa dito, nakiusap din si Dar sa mga local official na padaanin ang mga truck ng pagkain mula Benguet patungong NCR para maiwasan ang pagkabulok ng mga ito.

“Please let us try to help, dapat magtulungan po tayo. Sama-sama po tayo diyan para walang mabulok na mga vegetables na galing Benguet at para makarating po dito sa Metro Manila,” saad ni Dar.

Mula August 4 hanggang 18 ay sinailalim sa MECQ ang Metro Manila, Laguna, Cavite, Rizal at Bulacan bilang pagsunod sa hiling na ‘time out’ ng mga health worker dahil sa sumisirit na kaso ng COVID-19 sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?