43

By

DA sa mga OFW: Mamuhunan sa agriculture

Hinikayat ng Department of Agriculture-Cordillera Administrative Region (DA-CAR) ang mga overseas Filipino worker (OFWs) na pumasok sa pamumuhunan sa agrikultura.

Ang paghimok sa OFWs ay kasabay ng isinagawang Agribusiness Marketing Assistance Division ng DA-CAR ng Agribusiness Investment Forum sa Baguio City.

Sinabi ni Atty. Jennilyn Dawayan, DA-CAR Regional Technical Director for Research and Regulations, magsasagawa ang departmento ng mga agribusiness opportunity na makatutulong sa mga OFW.

Bahagi ng forum ang free range chicken production, tissue-culture strawberry production at lettuce, chinese cabbage, cabbage production at iba pa.

Tiniyak naman ng opisyal na ipagpapatuloy ng DA ang pagtulong at pagsuporta sa hanay ng mga OFW para mapaunlad ang kanilang kabuhayan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?