20

Oct 14, 2021 @ 19:39
By

DA naglaan P822M para sa sinalanta ni Maring

Naglaan ang Department of Agriculture (DA) ngayong Huwebes ng P822 milyon para tulungan ang mga magsasaka at mangingisda na naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Maring.

“We will continue to provide our typhoon and flood-affected farmers and fisherfolk in Northern Luzon and other areas with immediate aid and much-needed assistance to recover and start anew after the damage and loss in their livelihood and income,” pahayag ni DA Secretary William Dar.

Sa nasabing halaga, P650 milyon ang ilalaan sa emergency loans sa ilalim ng SURE (Survival and Recovery) Calamity Loan Assistance Program.

Sa tulong ng naturang loan, makakahiram ang mga nasalantang magsasaka at mangingisda ng P20,000 nang walang interes, collateral, at pwedeng bayarang ng hanggang 10 taon.

Samantala, ang P172 milyon naman ay gagastusin para sa Quick Response Fund (QRF), o rehabilitasyon ng mga agricultural area na sinira ni Maring.

Bukod pa ang P822 milyon sa iba pang tulong ng DA gaya ng pamimigay ng rice seed, corn seed, at gamot para sa baboy at manok.

Sa tala ng ahensya, aabot sa P692 milyon ang kabuuang pinsala sa sektor ng agrikultura dahil sa bagyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?