10

May 5, 2021 @ 9:50
By

DA hinimok mga magsasaka, mangingisda na umutang

Ineenganyo ng Department of Agriculture (DA) ang mga magsasaka at mangingisda na kumuha ng loan para makabangon sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay DA-Agricultural Credit Policy Council (ACPC) director Jocelyn Badiola, maaaring lumapit sa kanilang opisina ang mga agricultural worker para mangutang ng kapital.

“I encourage everyone, if you want to get into agriculture, you don’t have to worry about your working capital because we have programs that can provide loans at very easy terms, zero interest, no collateral, and five to 10 years to pay depending on your project cycle,” saad ni Badiola.

“And tutulungan po namin kayong gumawa ng business plan and we have available training because we link with ATI (Agriculture Training Institute). All you have to do is to go to ACPC access and sign up if you are interested and we will schedule you for a program briefing,” aniya pa.

Aabot sa P25,000 ang puwedeng utangin ng mga magsasaka at mangingisda na walang interes at collateral.

Bukod pa rito, puwede ring mag-loan ng hanggang P500,000 ang mga negosyante sa ilalim ng Kapital Access for Agripreneurs (KAYA) program.

“Weak tayo eh!” – Maritime Expert Prof. Jay Batongbacal

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?