31

Oct 22, 2020 @ 14:25
By

DA exec sinabon ni Villar sa pagbibigay ng rice import permit

Hindi na naman nakapagpigil ng sarili si Senadora Cynthia Villar at sinermunan ng todo ang pinuno ng Bureau of Plant Industry (BPI) dahil sa pagpayag nitong mag-isyu ng permit sa importasyon ng bigas sa panahon ng tag-ani o harvest season.

Sa pagdinig ng Senate committee on agriculture and food, inamin ni BPI Director George Culaste na hindi mapigilan ang pag-isyu ng sanitary at phytosanitary importance clearances (SPIC) kahit na sa panahon ng harvest season mula Marso hanggang Setyembre.

“We control it because we cannot really stop the issuance,” pahayag ni Culaste sa komite na pinamumuan ni Villar

Agad namang nagpanting ang tenga ni Villar nang marinig iyon kay Culaste.

“That’s your power and if you cannot exercise that power you don’t deserve to head the BPI. You can stop the issuance. Who will question you if you will stop the issuance?” tanong ni Villar kay Culaste.

“Negosyante ako. Walang negosyante ang nagkukuwestyon sa gobyerno pag hindi sila nagi-issue. ‘Wag mo sabihin sakin ‘yan,” himutok pa nito.

“Napakatanga naman ng Piilipians kung hindi ini-invoke iyon [pag-stop ng issue ng rice importation permit,” ayon pa sa senadora.

Dahil pinapayagan ang pag-angkat ng bigas sa panahon ng tag-ani, iginiit ni Villar na kailangan pang makipag-compete ng mga maliliit na mgsasaka sa mga rice trader.

“Nasa mind mo dapat tutulungan mo yung small rice farmers na mahihirap sa Pilipinas. May rice lang sila pag may harvest season, bakit mo pa sasabayan sa importation?” sabi pa ni Villar.

“Huwag mong sasabihin sa akin na you cannot refuse to issue permit, mali ang strategy mo. Dapat magpaturo ka kay [Agriculture] Sec. [William] Dar. Tamain mo yang strategy mo, huwag kang ganyan,” naiinis na pahayag ni Villar.

Tinangkang magpaliwanag ni Culaste sa pagsabing nakipagpulong sila sa ilang stakeholders tungkol sa paparating na harvest season subalit muling sumingit si Villar at sinabing hindi niya kailangan gawin ito.

“You don’t have to call a meeting, just don’t issue an import permit! Don’t call a meeting. Sila (importers) ba nagsusuweldo sa’yo?! O gobyerno ang nagsusuweldo sayo?!” galit na pahayag ni Villar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?