59

Mar 7, 2021 @ 18:08
By

DA dapat payagan ng BOC na mainspeksyon ang mga imported na karne

Nanawagan si House Committee on Ways and Means Chairperson Joey Salceda sa Bureau of Customs na payagan ang Department of Agriculture na mainspeksyon ang imported na karne upang hindi na madagdagan pa ang problema sa African Swine Fever.

Magpapadala si Salceda ng sulat kay Finance Sec. Sonny Dominguez para hilingin na bawasan ang pagproseso ng BOC sa mga imported na karne at hayaan ang DA na makapagsagawa ang inspeksyon upang matiyak na hindi kontaminado ng sakit ang mga ito.

“From a strategic point of view, we need to protect the domestic supply from further decline due to ASF, so sanitizing imports is very important,” saad ng kinatawan ng Albay.

Upang mapababa ang presyo, papayagan ng gobyerno ang pagpasok ng mas maraming imported na karne ng baboy.

Sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong Biyernes sinabi nito na ang mataas na presyo ng karne ang isa sa natulak sa pagtaas ng inflation rate noong Pebrero, na siyang pinakamataas sa nakaraang 26 na buwan.

“It’s so obvious that we have significant food supply vulnerabilities. The solutions will no longer be monetary or regulatory. A price ceiling won’t work. Interest rate adjustments won’t work. Because the problem is really that there isn’t enough food for our growing population,” paliwanag ni Salceda.

Kailangan din umano na gawing moderno ang sektor ng agrikultura upang madagdagan ang produksyon ng pagkain at hindi umasa ang bansa sa importasyon.

Dapat din umanong bantayan ng gobyerno ang smuggling ng produktong agrikultura na pumapatay sa lokal na industriya at tumatapyas sa dapat kikitain ng gobyerno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?