42

Nov 21, 2021 @ 12:55
By

DA: 60 barangay apektado ng ASF

Halos 60 barangay ang apektado pa rin ng African Swine Fever (ASF) outbreak, ayon sa Department of Agriculture nitong Nobyembre 21.

Sinabi ni DA Assistant Secretary Noel Reyes sa panayam sa dzBB, ang mga backyard hog raisers sa humigit-kumulang 60 barangay ay dumaranas pa rin ng ASF outbreak ngunit ngayon ay mas mababa ng kaunti ang mga apektadong lugar kumpara sa outbreak ng ASF noong 2019.

“Ang maganda ay bumababa na ‘yung incidents—below 60 barangays na lang out of a high 3,000 nung 2019,” ani Reyes.

Sinabi rin nito na mas pinapahigpit na ang seguridad upang mapababa pa ang bilang ng mga nahahawang baboy.

“Marami na ‘yung nai-declare nating ASF-free areas. Ang pinagpapatuloy na lang natin ‘yung maigting na pagpapatupad ng biosecurity, ‘yung quarantine protocols,” dagdag nito.

Dagdag pa, sinabi ni Reyes na ang ahensya ay nakikipag-ugnayan sa Estados Unidos para sa pagsubok ng dalawang brand ng bakuna laban sa ASF.

Pinaalalahanan din nito ang mga nag-aalaga ng baboy na dalhin agad sa veterinary clinic ang mga ito kapag nagpakita ng sintomas ng sakit, at maiging patayin at ilibing agad kapag nagpositibo sa ASF. (Sherrylou Nemis)

Bianca Umali binuyangyang ang katawan sa IG

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?