55
views

D-Wade hinakbangan si Larry Bird sa all-time playoff scoring

Sharing is caring!

Maagang nagpakita ng kaastigan si Dwyane Wade, Lunes ng gabi sa Philadelphia.

Sa Game 2 ng NBA playoffs, tinalo ni Wade at ng Miami Heat ang 76ers, 113-103.

Nagpakawala agad ang beteranong player na si Wade ng 7-of-7 mula sa field, kaya’t may 21 points agad siya sa first half.

Ang mainit na laro niyang ito ang dahilan para hakbangan niya si Larry Bird sa NBA all-time playoff scoring list, na tinapos ang kanyang career tangan ang 3,897 postseason points.

Si LeBron James ang may hawak ng top spot sa tinahing 6,200 playoff points, pero hindi na rin masama ang pag-usad ni Wade sa 10th spot.

Tumapos ng 28 points si Wade sa panalo ng Miami kontra Philadelphia nitong Lunes ng gabi (Martes, oras sa Pinas) para makapagsalansan ng 3,910 career playoff points.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?