15

By ,

D-League: Valencia wagi sa 28 puntos ni Bulanadi

Dinemolis ng Valencia City Bukidnon-SSCR ang CD14 Designs-Trinity para patatagin ang kapit sa top seeding ng Foundation Group sa 2019 PBA D-League 105-82 Huwebes sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Bibong-bibo si Allyn Bulanadi na may 28 points, anim na rebounds at tatlong steals habang si JM Calma ay umambag ng 16 points at 11 boards.

Nagpakilala din si Emmanuel Bonleon nang rumehistro ng 23 points para sa Golden Harvest na nagpaangat sa kalamangan ng tropa 36-23 sa first frame.

Lumobo pa sa 25 puntos ang bentahe ng Valencia City 75-50 sa kalagitnaan ng third canto at mula rito ay hindi na lumingon pa para sa 7-1 baraha kasosyo ang CEU.

“Focus namin is one game at a time. May opportunity sa top spot at dahil doon, na-motivate ang mga bata, so why not?,” sabi ni coach Egay Macaraya.

Samantala, wala pa rin panalo ang CD14 Designs-Trinity sa siyam nitong laro sa liga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?