39

Mar 5, 2020 @ 18:30
By

D-League: UST pinulbos ang TIP, 115-62

Tinambakan ng 53 points ng Builders Warehouse-UST ang Technological Institute of the Philippines, 115-62, para buksan ang kanilang unang laro sa 2020 PBA D-League Aspirants’ Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Nagpakawala ng 23-of-56 trey ang UST, pito galing kay sophomore Deo Cuajao tungo sa 24 game-high points.

Nagsalpak din ng limang tres si Jun Asuncion saibinatong siyam na tira.

Nagpasiklab rin si Growling Tiger star Rhenz Abando ng 15 points kasama ang 6 rebounds at 2 assists habang ang kanyang partner na si Mark Nonoy ay rumehistro ng 11 markers, 6 boards at 5 assists.

‘Di rin nagpahuli ang kanilang foreign player na si Soulemane Chabi Yo matapos gumawa ng 11 points, 8 caroms at 4 assists.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?