78

Jan 30, 2018 @ 21:00

D-League: Unang panalo ng Perpetual, nabingwit sa pagmando ni Frankie Lim

Pinataob ng University of Perpetual Help ang kulang sa tao na Mila’s Lechon, 65-48, para sa una nitong panalo sa 2018 PBA D-League Aspirants’ Cup nitong Martes sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Nag-umpisa sa mababang iskoring ang Altas kung saan may manipis lang na 27-22 bentahe sa 2nd quarter pero nagawang makakapit hanggang sa dulo.

Ito rin ang unang panalo ni Frankie Lim bilang coach ng Perpetual Help.

Nangibabaw sa laro si Nigerian big man Prince Eze na nakakuha ng 13 points, 14 rebounds, at 4 blocks para sa Altas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?