23
D-League: TIP aasa kina Ndiaye, Santos
By

D-League: TIP aasa kina Ndiaye, Santos

Sisikapin ng TIP Engineers na tapakan ang Black Mamba Huwebes sa Ynares Sports Arena sa Pasig sa kanilang sagupaan bandang 1:30 ng hapon sa 2019 D-League Foundation Cup.

Kasalukuyang hawak ang 3-1 record, pakay ng Engineers na makukuha ang No. 2 spots sa Group B kapag natalo nila ang Black Mamba.

“We’re already looking ahead. Right now 3-1 kami, so I think we have one foot in the door already sa playoffs. We want to prepare for the playoffs already as early as now,” ani TIP Coach Potit De Vera.

Muling aasahan ng TIP sina Senegalese big man Papa Ndiaye, Bryan Santos at Ivan Santos kasunod ng kabayanihan nila kontra Italiano’s Homme, 133-98, sa kanilang huling laban.

Hindi naman papayag ang Energy Drink na madungisan ng TIP upang mapanatili nila ang kanilang win streak.

“They’re younger, they’re faster. We just have to match up yung energy ng TIP. They’re a young team, they’re running, so we have to prepare for that,” sambit ng Black Mamba bench strategist Vis Valencia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?