50

Jun 10, 2019 @ 17:06
By ,

D-League: Diouf, Pare matira matibay

Mga Laro sa Martes:

(Ynares Sports Arena/Pasig)

Best-of-three semifinals (series tied 1-1)

4:00pm — CEU vs. Saint Clare College

Maglalaban para sa huling ticket ng 2019 PBA D-League Finals ang Saint Clare College-Virtual Reality at Centro Escolar University (CEU) ngayong Martes, alas-4, sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Para sa Saints, isang pagkakataon ito para gumawa ng kasaysayan at patunayan sa lahat na kanilang tropa ay isa sa may pinakamagandang basketball program sa bansa.

“Pangarap talaga namin makaabot doon sa Finals kasi ‘di pa namin nararating ‘yun,” sabi ni Saints coach Jino Manansala.

Naipwersa ng Saint Clare ang rubbermatch nang dominahin ang Scorpions nitong Huwebes 84-50 sa likod ng dambuhalang laro ni Malian center Mohammad Pare.

Umaasa si Manansala na mararamdaman ang pananalasa ng kanyang mga gwardiya – sina Junjie Hallare, Joshua Fontanilla at Irven Palencia – sa do-or-die match na ito.

Bagaman kulang sa tao, hindi aniya isantabi ang Scorpions lalo na’t umaasa si coach Derrick Pumaren ng isa pang milagro sa kanyang eight-man crew.

“Like I said before, win or lose, I’ll take it. I’m just proud with how our boys are fighting despite our situation,” wika ni Pumaren.

Aasahan na si Senegalese big man Maodo Malick Diouf ang papader sa CEU habang susuportahan naman siya ng mga natitirang gwardiya na sina Rich Guinitaran at Franz Diaz.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?