37

By

D-League champion BRT Sumisip Basilan-St. Clare eeksena sa TOPS

Bibisita ang newly-crowned PBA D-League champion BRT Sumisip Basilan-St. Clare sa 44th ‘Usapang Sports’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) Huwebes, Oktubre 17, sa National Press Club.

Makakasama para ikuwento ang kanilang matagumpay na title campaign kontra Marinerong Pilipino sina Basilan coach Steve Tiu, assistant coaches Jerson Cabiltes at Jino Manansala pati top players na sina Jhaps Bautista, Hesed Gabo at Alfred Batino.

Panauhin rin sa 10 am forum sina Philippine National Anti-Doping Organization (PHINADO) President Dr. Alejandro Pineda at Wu Lin Feng Global Fighting Championships-Philippines promoter Maynard S. Marinas, Aaron Catunao ng Fight Night Productions at local kickboxing champion Mark Alcoba at Dindo Camansa.

Tatalakayin ni Dr. Pineda ang mga anti-doping activity ng gobyerno kasama ang Philippine Sports Commission (PSC) at iba pang government agency.

Magdedetalye naman sina Marinas at Catunao sa gaganaping First Professional Kickboxing competition sa bansa sa darating na Oktubre 23 sa Cove sa Okada Manila.

Ibabahagi naman nina Alcoba at Camansa ang kanilang mga tsansa laban sa mga Chinese opponent sa blockbuster promotion sanctioned ng Games and Amusement Board (GAB).

Highlight sa laban sina Fu Gaofeng mula China kontra Philipp Engeroff ng Germany sa 75 kgs class.

Inaanyayahan ni TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight ang lahat ng mga officer at member na dumalo sa session handog ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR at Community Basketball Association na mapapanood sa Facebook live via Glitter Livestream.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?