15

Sep 26, 2020 @ 3:12
By

Cynthia Villar kinuwestiyon doble gastos sa mga estudyante ng farm school

Binahagi ni Senadora Cynthia Villar ang kanyang napansin sa tila nadodoble na tuition fee ng mga estudyante na nag-aaral sa mga farm school.

Sa budget deliberation ng Department of Education (DepEd) sa Senado, nilahad ni Villar ang kanyang nakitang butas sa pagbabayad ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at DepEd para sa mga mag-aaral ng farm school.

“Nakita ko ‘yan in one of the inattendan ko na farm schools. Itong private school ine-enroll nila sa Grade 11 and 12 ‘yung mga students na technical also,” saad ni Villar.

“So binabayaran sila ng DepEd doon, and at the same ine-enrol pa rin nila doon sa aming farm school. Babayaran din sila ng TESDA doon so double payment, kaya I am just interjecting kasi nakita ko ‘yan with my own eyes,” aniya pa.

Ang farm school ay inisyatibo ni Villar na hango sa e Farm Field Schools ng UN Food Agriculture Organization, na naglalayong bigyan ng edukasyon ang mga magsasaka para ma-maximize nila ang kanilang mga ani at lumago ang kanilang mga agribusiness.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?