70
cynthia-villar

Cynthia Villar hugas-kamay sa sinirang bundok sa Boracay

Sharing is caring!

Exaggerated yan! Ito ang inihayag ni Senadora Cynthia Villar kaugnay ng alegasyon na sangkot ang kanilang kumpanya sa pagpatag ng bundok at pagsira ng kagubatan sa Boracay.

Paliwanag ng senadora, walang sinirang bundok sa isla taliwas sa mga balitang lumabas na pinatag ito para bigyang daan ang pagtatayo ng P6.6 bilyopn Costa Vista beach resort project.

“Walang bundok, it’s a titled land, I’ve seen the place, exaggerated lang ‘yon. You know, if it’s a titled land, what’s wrong with it na i-joint venture sa amin?” pahayag ni Villar sa TV Patrol.

Nakahanda rin umano siyang idepensa sa Department of Environment and Natural Resources ang proyekto na pag-aari ng kanilang kumpanya, ang Vista Land.

Nauna nang kumalat sa Facebook ang video ng ginagawang pagpatag sa bundok sa isla para pagtatayo ng Costa Vista Resort.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?