103

Jan 11, 2022 @ 16:28
By

Cybercrime sa Fort Ilocandia Hotel imbestigahan – De Lima

Pinasisiyasat ni Senadora Leila de Lima ang patuloy na operasyon ng mga iligal na online gambling activity sa bansa at papanagutin ang mga taong nasa likod nito.

Naghain si De Lima ng isang resolusyon para imbestigahan ng Senado ang napaulat na raid na isinagawa ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Fort Ilocandia Hotel and Resort noong Disyembre 20, 2021 dahil sa paglabag sa probisyon ng Cybercrime Prevention Act of 2012.

“There is an urgent need to address the continued proliferation of illegal gambling activities in the country and expeditiously implement measures to safeguard and put an end in making the country a hub of illegal online activities that breach our existing laws,” sabi ni De Lima.

Sa nasabing raid, ipinatupad ng NBI ang cyber warrant dahil sa paglabag sa Section 4(b)(2) ng Cybercrime Law, o computer-related fraud subalit wala umanong naaresto sa kabila ng pagkumpiska ng maraming mga gadget.

Ibinunyag ng lokal na pulisya na nakumpiska nila ang 35 desktop computer units, 20 cellular phones, maraming SIM cards, dalawang router at siyam na company identification cards.

Bagama’t hindi iyon ang unang pagkakataon na na-raid ang Fort Ilocandia, sinabi ni De Lima na mahalagang matukoy kung ang mga dating nakumpiskang mga gamit sa illegal activities ay nagresulta sa pagkadakip at pagsampa ng kaso sa mga taong sangkot doon.

“How the hotel was able to reopen and operate again is suspect at best, especially when juxtaposed with this most recent raid which apparently yielded no arrest,” ani De Lima.

“It is necessary to determine whether there are gaps in the law that are being taken advantage of by perpetrators that allow them to circumvent our existing laws,” dagdag pa nito.

Matatandaan na noong Disyembre 9, 2016, sinalakay ng pinagsanib na pwersa ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group Ilocos Norte, Anti-Cybercrime Group, Bureau of Immigration at Justice Department ang nasabing gusali na pag-aari ni Jack Lam.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?