110

Oct 30, 2017 @ 12:28

‘Cyber libel’ ikakasa sa nag-post ng viral video sa NAIA

Nakaamba ang reklamong cyber libel laban sa nag-post ng video sa NAIA Terminal 2 kung saan pinaratangan ang ilang tauhan ng Office for Transportation Security (OTS) ng tangkang pagnanakaw.

Sinabi ni OTS Usec. Art Evangelista, na bukod sa kasong kriminal na ihahain nila laban kay Jorge Hizon, ng Pampanga, maaaring humingi rin sila ng danyos dahil sa malisyosong post nito sa kanyang social media account.

Aniya, agad niyang pinaimbestigahan ang video post ni Hizon at ang kanyang kuwentong tinangka ng security screeners na tangayin ang smart watch ng pamangkin ng kanyang kapatid na si Melinda.

Ngunit base sa CCTV footages, walang basehan ang alegasyon ni Hizon.

Nabatid na sinabi na ni Hizon na wala siyang balak humingi ng dispensa sabay giit na totoo ang kanyang kuwento. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?