118

Dec 20, 2017 @ 17:54
By

Cyber libel case ni Drilon vs Mejorada, may probable cause

May sapat na dahilan para malitis sa kasong cyber libel si dating Iloilo Provincial Administrator Manuel Mejorada base sa reklamo laban sa kanya ni Senate Minority Leader Franklin Drilon.

Ayon kay Pasay City Prosecutor’s Office Investigating Officer Ju-Haree Tolentino nakitaan ng probable cause ang reklamo ni Drilon laban kay Mejorado base sa mga posts ng huli sa Facebook account nito.

Sa mga posts ni Mejorada ay inaakusahan nito ng katiwalian ang senador.

Sa pitong pahinang resolusyon na may petsang Disyembre 1 sinabi ni Tolentino na may sapat na ebidensiya na sa social media posts ni Mejorada ay pinalabas nito na guilty si Drilon sa ibat-ibang kasalanan.

“ The words used by respondent were calculated to destroy and discredit the character and reputation of the complainant,” ani Tolentino.

Nauna nang pormal na nakasuhan ng libel si Mejorada sa Iloilo base pa rin sa reklamo ni Drilon. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?