44

Oct 6, 2021 @ 18:16
By

Cyber attack ‘di sinanto website ng Senado

Pansamantalang hindi napasok ang opisyal na website ng Senado dahil sa denial-of-service (DDoS) attack.

“It temporarily blocked access to the Senate website because of an ongoing distributed denial-of-service (DDoS) attack,” ayon sa Senate Electronic Data Processing-Management and Information System (EDP-MIS) bureau.

“A DDoS attack is an attempt to make an online service or website unavailable by overwhelming it with internet traffic from multiple sources,” mensahe pa ng bureau sa mga reporter.

Sabi pa ng EDP-MIS, ang pagpasok ng traffic ay mula sa iba’t ibang bansa subalit may posibilidad na Internet Protocol (IP) address ay maaaring “fake” o “spoofed”.

Nadiskubre ng EDP-MIS ang pag-atake bago magtanghali ng Miyerkoles. Nangyari ito kasabay din ng pag-atake sa official website naman ni Senador Richard Gordon.

Ang pag-atake ay nangyari sa gitna ng ginagawang imbestigasyon ng Senate blue ribbon committee na pinamumunuan ni Gordon tungkol sa iregularidad sa pagbili ng gobyerno ng COVID-19 medical supply.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?