0
views

By

CWAI hahanap ng PH bets sa Poland

Sharing is caring!

Dahil sa ilang taon nang walang palaro ang Philippine Weightlifting Association na milagro pang naging Samahan ng Weightlifting sa Pilipinas, aakuin ng Cebu Weightlifting Association, Inc., ang dalawang torneo sa Linggo, Hulyo 15, tampok sa isa ang pagkukunan ng magiging bets ng bansa para sa isang torneo sa papasok na buwan sa abroad.

Ihahatag ang CWAI 3rd National Students Weightlifting Championships 2018 at 1st CWAI Affiliate Women’s Weightlifting Invitational Tournament sa Ayala Center Mall sa Cebu City.

Bukas ang Nationals sa mga estudyante sa buong bansa na may edad 17-24 anyos kung saan ang top winners dito ang magiging pambato ng bansa sa 6th International University Sports Federation 2018 World University Weightlifting Championships sa Biala Podlaska, Poland sa parating na Setyembre 20-23.

Kaugnay nito, binuo ng CWAI ang technical officials na magpapatakbo ng isang araw lang na student liftest na kinabibilangan nina Danilo Catingub, Felix Tiukinhoy, Eliseo Deldig, Ester Cabasura, Edwin Ocaba bilang mga jury; Angel Lado, Rudy Saavedra, Edmundo Ocaba, Liza Jaluag at Jona Alegada na mga referee; Adel Lobite at Jerry Sullana mga chief marshall; Jhunswanne Sulla na time keeper; Evan Catingub at Emily Ponce na mga technical controller at Judith Sulla na secretary.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?