abante cuy dilg

Cuy, bagong hepe ng DDB; Año itinalagang DILG OIC

Sharing is caring!

Itinalaga na ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong hepe ng Dangerous Drugs Board (DDB) si Department of the Interior and Local Government (DILG) officer-in-charge (OIC) Catalino Cuy.

Inilabas na nitong Enero 5 ng Malacañang ang appointment paper nito kung saan pinalitan niya ang sinibak na si Dionisio Santiago noong Nobyembre 2017 matapos umano ang kritikal na komento sa mega drug rehabilitation center na donasyon ng isang Chinese tycoon.

Akusado rin ito sa mga maluluhong biyahe sa abroad si Santiago.

Dahil sa bagong posisyon ni Cuy, inakyat naman bilang OIC ng binakanteng departamento niya si DILG Undersecretary Eduardo Año, na susunod marahil sa plano ng Pangulo na gawing interior secretary ang huli.

Sa batas kasi, maaari lang pangalanan bilang hepe ng DILG si Año sa Oktubre 26, 2018 o isang taon matapos ang kanyang pagreretiro sa military.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?