103

Oct 10, 2021 @ 21:43
By

Customs sinimot mga tiwali sa ahensya

Seryoso ang Bureau of Customs (BOC) sa pagresolba ng korapsyon sa loob ng ahensya ngayong taon kung saan umabot sa 516 ang inilabas nilang show-cause order sa kanilang mga kawani at opisyal.

Batay sa ulat ng BOC ngayong Linggo, mula Enero hanggang Setyembre 2021 ay 126 ang mga indibidwal na kanilang inimbestigahan kung saan 31 ang kasong administratibo ang kanilang isinampa.

Sa mga ito, 57 na mga kaso ang umabot pa sa NBI habang isa sa Ombudsman.

Kaya naman, tatlong empleyado ang inalis sa serbisyo, 12 ang nasuspinde, anim ang na-reprimand, anim ang na-relieve, at 543 ang iniba ng assignment.

Dulot ng kanilang paglaban sa korapsyon, maganda ang naging performance ng ahensya ngayong taon at naging ISO certified pa ang anim nilang tanggapan at pier.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?