29

Jul 4, 2020 @ 11:24
By

Customs NAIA bantay-sarado sa bagong swine flu

Naharang ng Bureau of Customs (BOC) Port of NAIA ang 775.6 kilo ng laman ng mga meat product mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon.

Ang mga nakumpiska ay walang sanitary at phytosanitary clearance kung saan kasama ang 268.2 kilo ng baboy, 106.4 kilo ng baka, 298.2 kilo ng poultry, at 102 kilong iba pang uri ng meat na dumating na walang mga permit at health clearance.

Ang mga nasabing produkto ay nanggali pa sa mga bansa na tinamaan ang African Swine Fever, kaya kaagad itong binigay sa Bureau of Animal Industry (BAI) para sa proper disposal.

Sa ngayon ay nakaalerto ang BOC NAIA sa passenger area at air cargo warehouse ng paliparan dahil sa posibilad ng pagpasok ng mga kontaminadong meat product dahil sa pag-usbong ng bagong strain ng swine flu virus na tinatawag na G$.

Suportado ng Customs NAIA ang direktiba ni BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero para bantayan ang mga border ng bansa laban sa mapanganib na swine flu, na ayon sa pag-aaral sa China ay posibleng nakakahawa sa tao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?