44

Nov 6, 2018 @ 13:44
By

Customs malabong maging pribado – Recto

Ibinasura ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang mungkahi na ikunsidera ang pagsasapribado ng Bureau of Customs (BOC) para mapagtino ang pagkulekta ng buwis at matigil ang katiwalian.

Ayon kay Recto, hindi ito dapat pagsayangan ng panahon dahil hindi naman mangyayari dahil mahirap itong gawin.

“I don’t think so. It will be difficult to privatize both Customs and BIR (Bureau of Internal Revenue),” sagot ni Recto sa tanong kung praktikal ang pagsasapribado ng BOC.

Kaysa ito ang pag-isipan, atupagin na lang umano dapat ang computerization ng pagsusuri ng mga dumaraan sa BOC at ang pagkulekta ng buwis.

“Better to use technology/ICT and reform management systems and structure,” sabi ng senador sa isang text message.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?