105

Oct 24, 2018 @ 17:39
By

Customs intel officer pinaaaresto ni Duterte

Pinapahuli ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dating Customs intelligence officer na si Jimmy Guban kaugnay ng lumusot na shabu shipment sa magnetic lifter.

“Tell me who is this guy asking for money, extortion. I will call him here, I’ll have him arrested, kaya iyang si Guban pinapa-aresto ko,” saad ni Duterte nitong Miyerkoles matapos ang naging probe sa Kamara kaugnay ng napuslit na iligal na droga sa mga x-ray machine ng Customs.

Iniutos ni Duterte kay Philippine National Police Chief, Director General Oscar Albayalde na maipakulong sa lalong madaling panahon si Guban kahit wala pang sapat na asunto laban dito.

“Sabi ko, right after the session, you arrest him. Sabi ni Albayalde, ‘What ground?’ … Just arrest him, bring him to the NBI. Huwag kayo kasi kayo, na-mention kayo diyan sa investigation. Bring him to the NBI,” pakli ng Pangulo.

Sa inilabas na special report umano ng Presidente, kasama si Guban at ilang may matataas na posisyon sa kapulisan sa illegal drug trade.

Sinabi na alam ni Guban ang lahat ng kanyang pinapasok o nira-raid na mga drug warehouse kung saan siya umano nangingikil.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?