18
isidro-lapena
By

Customs inaapura na ang proseso sa mga angkat na pagkain

Sharing is caring!

Pinamamadali ng Bureau of Customs (BOC) ang pagproseso sa mga dumarating na pangunahing produkto gaya ng bigas, asukal at karne at matugunan ang umano’y artificial shortage sa suplay ng pagkain.

Sa memorandum na ipinalabas ni Customs Secretary Isidro Lapeña, inaatasan nito ang lahat ng mga port official na ang mga general shipment na isinailalim sa alert order ay kinakailangang maeksamen sa loob ng 48 oras, habang ang mga perishable good ay dapat na mabusisi sa loob ng 24 oras mula nang maipalabas ang alert order.

Ang mga kargamento na hindi makikitaan ng iregularidad ay kinakailangan umanong mailabas sa loob ng 48 oras.

“We are issuing alert orders on shipments with derogatory reports to balance our trade facilitation and border protection efforts. All shipments found with no irregularities are cleared immediately,” saad ni Lapeña.

Iniutos din ni Lapena sa mga port official na bantayan nang husto ang galaw ng mga barko na nasa breakwater.

“We are only asking the importers to give what is due to the government and to declare their items accordingly. If they are doing things by the law, we do not have any reason to issue alert orders,” dagdag ni Lapeña.

Ginawa ni Lapeña ang kautusan sa pagpasok ng ber-months kung kailan inaasahang tataas ang konsumo sa pagkain ng mga Filipino dahil sa papalapit na Pasko.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?