310

Dec 16, 2017 @ 15:47
By

Customers ng bar ni Allan K nagkagulo kay Alden

Hindi binigo ni Alden Richards ang hiling ni Allan K na maging bahagi ng birthday concert niya last Friday na ginanap sa Zirkoh Comedy Bar.

Nagkagulo siyempre ang dumating na customers sa presence ni Alden na galing pa sa Christmas party ng GMA Network, huh! Hindi makontrol ng guards ang crowd na gustong magkaroon ng picture kasama ang Pambansang Bae, huh!

Of course, malaki ang naging papel ni Allan K kung bakit nabuo ang AlDub loveteam. Dahil sa kantiyaw niya kina Alden at Yaya Dub (Maine Mendoza) nu’ng split screen pa ang drama nila sa KalyeSerye, naging phenomenal ang loveteam nila.

Basta may oras si Alden, pinagbibigyan niya ang hiling ng mga taong naging bahagi ng showbiz career niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?