629

Nov 3, 2019 @ 13:05

Customer sa Jollibee lugaw ang hanap

Mukhang mali ng pinuntahan ang isang customer sa Filipino fast food chain Jollibee dahil imbes na burger, spaghetti, chicken, o fries ang order-in, lugaw ang hinahanap nito.

Alas-4:12 ng umaga, Oktubre 30, nang i-post ni Makoy Sainz ang 11-segundong video ng isang naka-pink na t-shirt at tsinelas na lalaki na tinutulak na paalis ng kainan dahil gusto nitong lugaw ang orderin.

“Walang lugaw! Jollibee ‘to, walang lugaw,” giit pa ng sekyu sa matandang lalaki.

Ngingiti-ngiti ang naka-pink na lalaki, na tinawanan nang 1.4K netizen as of 11:57 a.m., Nobyembre 3.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?