281

Oct 21, 2021 @ 16:53
By

Cusi hinamon si Pacquiao: Magdemanda ka!

Hinimok ni Energy Secretary Alfonso Cusi si Senador Manny Pacquiao na dalhin sa tamang korte ang kanyang alegasyon na diumano’y iregularidad sa Independent Electricity Market Operator of the Philippines (IEMOP).

Ito’y matapos magpalabas si Pacquiao ng video sa pagdinig ng Senado sa panukalang badyet ng Department of Energy na sumusuporta sa dati nitong alegasyon laban sa DOE sa pagbuo ng EIMOP.

Nauna nang sinabi ni Pacquiao na binigyan ng DOE ng EIMOP ng kapangyarihan na maging independent electricity stock market operator.

Ito’y sa kabila na hindi naabot ng EIMOP ang dalawang taong karanasan sa market operation requirement ng Electric Power Industry Reform Act of 2001 at may paid capital lamang na P7,000.

“Itong sinsasabing accusation na ganyan that is siguro po masakit din po and I hope it can be done outside the walls of the Senate at kung kailangan ikaso, ikaso po,” sabi ni Cusi.

Sa kanyang opening statement, sinabi ni Pacquiao na mayroong market transaction fee na ipinapataw sa electricity bill ng mga consumer dahil sa operasyon ng IEMOP at Philippine Electricity Market Corporation (PEMC), na sangkot diumano sa operayon at pamamahala ng Wholesale Electricity Spot Market (WESM).

“Iisa po ang modus ngayon. Magtatayo ng bagong kumpanya na katiting ang capital, walang experience or kakayahan, at kukuha ng kontrata sa gobyerno na bilyon-bilyon ang kita. Hindi nagpatalo ang DOE,” sabi ni Pacquiao, kung saan ikinumpara nito ang EIMOP sa Pharmally at Starypay, na parehong nauugnay sa maanomalyang kasunduan sa gobyerno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?