68

Jun 19, 2019 @ 14:59
By

Cusi ‘di intensyong saktan ang 22 mangingisdang Pinoy

Nakapagpaliwanag na sa Malacañang si Energy Secretary Alfonso Cusi kaugnay sa naging pahayag nito sa nangyari sa mga Pilipinong mangingisda matapos banggain ng Chinese vessel ang kanilang bangka sa Recto Bank sa Palawan.

Sinabi ni Secretary to the Cabinet Karlo Alexei Nograles, nilinaw na ni Cusi ang kanyang naging pahayag na ikinasama ng loob ng 22 mangingisda.

Ayon sa kalihim, maaaring taken out of context si Cusi dahil kinukuha nito ang lahat ng posibleng anggulo sa nangyaring insidente.

Isa aniya si Cusi sa mag-uulat kay Pangulong Rodrigo Duterte sa nangyaring insidente sa kanyang kapasidad bilang Chairman ng MIMAROPA Cabinet Officer for Regional Development and Security o CORDS.

Sinabi ni Nograles na walang intensiyon si Cusi na makasakit ng damdamin ng mga mangingisdang kasama sa insidente at hindi pa pinal ang report na isusumite sa Malacanang.

“Nilinaw niya sa cluster meeting na he was doing it and he was asking probing questions to find out what are the possibilities kasi we needed to know what are the possibilities, what are the different angles na ipe-present sa Pangulo, ani Nograles.

Hindi nagustuhan ng 22 mangingisda ang naging pahayag ni Cusi dahil sila na nga ang nadehado sa mga Chinese ay tila iba pa ang lalabas sa report.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?