176

Jul 17, 2021 @ 17:37
By

Cusi bagong PDP-Laban president

Idineklara ngayong Sabado, Hulyo 17, na bagong presidente ng PDP-Laban si Energy Secretary Alfonso Cusi sa gitna ng national assembly ng partido.

Ngayong araw din ay inihalal ng partido ang 16 bagong opisyal, kasama na rito ang presidente kung saan nga naihalal si Cusi.

Matatandaang idineklara ng paksyon ni Senador Manny Pacquiao na unauthorized ang pagdaraos ng national assembly.

Sa kabila nito ay natuloy pa rin ang nasabing gawain na dinaluhan pa ng party chairman na si Pangulong Rodrigo Duterte na nanguna sa panunumpa ng mga bagong opisyal.

Kamakailan lamang ay pinatalsik ni Pacquiao ang kalihim mula sa partido dahil sa pakikipag-alyansa umano nito sa ibang partido bukod sa PDP-Laban.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?