49

Curry uminit sa OT, Warriors pinadapa ang Lakers 127-123

Sharing is caring!

Matapos alatin sa rainbow territory sa apat na quarters, kumana si Stephen Curry ng dalawang sunod na tres sa pagbubukas ng overtime para itakas ng Golden State Warriors ang panalo laban sa Los Angeles Lakers 127-123.

Ang panalo ay pumgil sa dalawang sunod na talo sana ng Warriors sa unang pagkakataong ngayong season.

Nanguna sa Golden State si Kevin Durant na may 29 points, nagdadag ng 28 si Curry at may 20 si Klay Thompson. Kumana si Curry ng 13 points sa overtime.

Nagsalansan ng career-high 32 points si Brandon Ingram para pangunahan ang Lakers. May tig-21 pareho sina Kentavious Caldwell-Pope at Jordan Clarkson at may 20 naman si Julius Randle.

May pagkakataon sanang ang Lakers na ipanalo ang laban sa regulasyon nang makuha ni Randle ang rebound sa mintis ni Durant, 5.3 seconds na lang sa laro.

Nag-set-up ng play ang Lakers para kay Ingram subalit nag-mintis ang driving nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }