0
views

By

Curry sinupalpal ang basher

Sharing is caring!

Simpleng-simple ang sagot ni Stephen Curry sa maingay na fan na nangantiyaw sa kanya habang pumapalo sa golf course ang NBA superstar.

Pinapalo niya ang fan para magkaalaman kung gaano ito kagaling sa golf.

Isa-isang practice round nitong Huwebes sa Edgewood Tahoe Golf Course bago ang American Century Celebrity Golf Tournament, binaterya at sinigaw ng fan ang two-time MVP nang bumagsak sa bunker ang kanyang tira sa 17th hole.

“Had about a 30-yard bunker shot. Short-sided myself, hit it to the back fringe,” pahayag ni Curry sa mga reporter pagkatapos.

Sinigawan daw ng fan ang Golden State Warriors star ng “brick three” kaya tinawag niya ang fan sa golf course at pinatira ang bola palabas ng bunker.

“I heard him, I dropped my 60-degree wedge and asked for an extra ball,” dagdag ni Curry. “I threw it back in the sand and told him to come out of the crowd and hit the shot.”

Wala sa hulog ang palo ng fan, lumipad ang bola 80 yards sa grandstand – malayo sa course. Nalaman ng fan na hindi ganun kadali ang pumalo mula sa bunker.

Ayon kay Curry, naka-flip-flops pa ang lalaki nang pumalo.

Pang-celebrity ang event, kasama sa torneo si Charles Barkley.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?