194
stephen-curry1
By

Curry ‘sinabon’ ni Mommy!

Sharing is caring!

Kahit ang isang superstar at halimaw sa shooting na si Stephen Curry, paminsan-minsan ay napapagalitan din ng nanay.

Humaharabas na si Curry sa third quarter ng Game 3 kontra Houston, pagkatapos isalpak ang driving floater ay humarap sa yellow crowd sa Oracle Arena, tinanggal ang mouthpiece at sumigaw, “This is my f***ing house!”

Kasama siguro ‘yun sa gigil niya nang ilista ang 18 sa kanyang 35 points sa third nang kumalas ang Golden State tungo sa 126-85 victory at 2-1 lead sa Western Conference finals.

Siyempre pa, tuwang-tuwa ang kanyang inang si Sonya sa performance ng 30-anyos na anak, pero hindi sa mura na lumabas sa kanyang bibig. “I blacked out,” pag-amin ni Curry sa nagawa.

Kung walang habas na inatake ang Rockets, tiklop naman siya sa nanay.

“She already sent me two home videos, showing me the clip and playing it back,” pahayag ng two-time MVP sa ESPN. “She was telling me how I need to wash my mouth out, saying to wash it with soap. It’s a message I’ve heard before.”

Dahil debotong Christian si Curry, naintindihan niya kung bakit siya napagalitan.

“She’s right,” dagdag niya. “I gotta do better. I can’t talk like that.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?