29

Feb 23, 2020 @ 18:21
By

Curry sabik nang bumalik

Gustong bumalik ni Stephen Curry para tapusin ang season, target niyang bumalik sa first week ng March.

Hindi siya pinipigilan ng Golden State Warriors.

Sabado ay sumalang si Curry sa full scrimmage, may contact na rin.

“Yeah, he scrimmaged today, first day of scrimmaging,” ani coach Steve Kerr, ayon sa NBC Sports Bay Area.

Pito lang ang healthy bodies ng Warriors sa Chase Center practice facility, gumawa ng paraan ang team para mabuo ang scrimmage.

“We only had seven other healthy players, so there were two coaches out there scrimmaging too. It was not pretty, but Steph looked great,” dagdag ni Kerr.

Mukhang makakabalik nga si Curry, pero ang Splash Brother niyang si Klay Thompson ay out na sa season dahil sa ACL surgery.

Nabalian ng braso si Curry apat na laro pa lang sa season.

Wala na rin sa playoff picture ang Golden State (12-44), pero hindi dahilan para ipamigay ang mga laro para magka-tsansa ng mataas sa draft.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?