27

By

Curry pumanhik sa 3rd place sa ‘all-time 3-pointers’

Nagpukol ng back-to-back three-pointers si Stephen Curry sa panalo ng Golden State Warriors laban sa Chicago, 146-109, sapat para kunin niya ang ikatlong spot sa NBA all-time 3-point list.

Inalis niya sa 3rd place si Jason Terry matapos niyang magtala ng 2,283 points sa kanyang all-star career.

Inanunsiyo ang accomplishment na ito ni Curry na nagbigay ng malakas na hiyawan mula sa 19,500 na nanood sa Oracle Arena.

Nasa likuran si Curry ng 3-point scoring leaders na sina Reggie Miller (2,560) at Ray Allen (2,973) sa NBA history.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?